BIKINI OPEN
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa entablado ay rumarampa
Kagandahan pinapakita sa mga manonood
Talento ay ibinabahagi
Kaseksihan ay hindi pinagdadamot.
Hubad man ang nasa isip ng kalalakihan
Pinapantasya na sana kaulayaw
Pagharap sa mga nanonood komportable
Hindi nakikitaan ng pagkahiya.
Sa harapan ng maraming nagmamasid
Isa lamang ang hangad
Tanghaling nanalo sa patimpalak
Maiuwi ang inaasam na korona.
Kahit halos makita na ang lahat
Tinatago sa katawan masilayan ng iba
Ito ay balewala lamang
Pagkat may hangad na nais makamit.
Bikini Open patimpalak kang kakaiba
Nagiging usap-usapan ka pag natatapos
Mga may magandang hubog ng katawan lamang
Sa iyo ay
sumasali.
Wednesday, May 22, 2013
Tuesday, April 30, 2013
Dakilang Ina
"Sa mga wala ng ina alam ko bawat araw naiisip niyo siya. Lalo na kung nakakakita kayo ng bata kasama ang ina. Tiyak maaalala niyo ang kayo ay bata pa. Hindi niyo makakalimutan ang kayo ay pinapaliguan o kaya ay pinapakain."
DAKILANG INA
Ni: Arvin U. de la Peña
Buong buhay pinagsilbihan mo kami
Pagod at hirap balewala sa iyo
Ang makita kami na maayos ang kalagayan
Iyon lagi ang nasa isip mo.
Maaga pa lamang gumigising ka na
Ginagawa ang gawain sa bahay
Hindi ka katulad ng ibang ina
May katulong na namamahala sa lahat.
Dakila ka aking ina
Kailanman hindi mo kami pinabayaan
Sa pamilya mayroon man problema
Nariyan ka upang humanap ng solusyon.
Kahit kailan di ka pinanghinaan ng loob
Hindi man marangya ang ating pamumuhay
Sa iyo ang mahalaga ay makaraos
May makain sa takdang oras.
Wala ka naman sa mundo
Alaala mo ay hindi makakalimutan
Mga nagawa mo sa amin
Mananatili sa puso at isip.
DAKILANG INA
Ni: Arvin U. de la Peña
Buong buhay pinagsilbihan mo kami
Pagod at hirap balewala sa iyo
Ang makita kami na maayos ang kalagayan
Iyon lagi ang nasa isip mo.
Maaga pa lamang gumigising ka na
Ginagawa ang gawain sa bahay
Hindi ka katulad ng ibang ina
May katulong na namamahala sa lahat.
Dakila ka aking ina
Kailanman hindi mo kami pinabayaan
Sa pamilya mayroon man problema
Nariyan ka upang humanap ng solusyon.
Kahit kailan di ka pinanghinaan ng loob
Hindi man marangya ang ating pamumuhay
Sa iyo ang mahalaga ay makaraos
May makain sa takdang oras.
Wala ka naman sa mundo
Alaala mo ay hindi makakalimutan
Mga nagawa mo sa amin
Mananatili sa puso at isip.
Monday, April 15, 2013
Drama
"Ang BARKADA ay isa sa mga bagay na parte ng ating buhay. Kahit na simpleng samahan lamang basta walang plastikan at kahit anong trip niyo sa daan basta WALANG IWANAN. Pagalitan man ng magulang, kanya-kanyang DAHILAN. Wala lang LAGLAGAN. Minsan nga gumagawa pa ng paraan para maka jamming lang. Iyan ang tunay na SAMAHAN. Iyong tipong WALANG LIMUTAN kahit sa SIMPLENG ALAALA lang."
DRAMA
Ni: Arvin U. de la Peña
Alam ko noon pa man darating ang panahon na makakalimutan mo ako. Sino ba naman ako di ba? Isang ordinaryo lang ako na tao. Hindi katulad ng mga ibang nakasabayan bilang bata. Mayroon silang naipagmamalaki. Hindi katulad ko na wala masyadong naipagyayabang sa iyo.
Kapag dumaraan ako sa bahay niyo noon kapag nakikita mo ako ay tinatawag mo ako. Bata pa tayo noon. Naglalaro tayo sa inyo. Kasi ikaw lang naman ang may mga laruan na magaganda. Play station o kung ano pa. Ingat na ingat ako noon sa mga laruan mo kasi baka masira ay wala akong pambayad.
Ngayon ibang-iba na talaga. Kapag dadaan ako sa tapat ng bahay niyo ay hindi mo na ako pansin. Hanggang tinginan na lang tayo. Siguro akala mo ay hihirit ako sa iyo ng kung ano gayong hindi ko naman iyon magagawa. Dahil kaya ko naman maka survive sa buhay.
Napakasakit na minsan pag dumadaan ako sa inyo at naroon ang ibang mga kaibigan noong bata pa at nag-iinuman kayo kahit nakikita mo ako at sila ay hindi ako pansin. Balewala lang ako sa pag daan. Ayaw niyo na makisali ako sa inyo. Kahit ganun kayo ay inuunawa ko pa rin kayo lalo na ikaw kasi tanggap ko na ganun ang buhay sa mundo. Minsan nagbabago ang tao kapag naging matayog na.
Ang mga nakaraan natin noong bata pa ay patuloy ko pa rin iniisip. Kasi iyon lang ang panahon na may malasakit ka sa akin. Binibigyan mo ako ng kung ano ang kinakain mo. Kasi ikaw lang naman ang may pera talaga. Kapag namamasyal tayo sa kung saan, pumupunta sa plaza, naliligo sa dagat, o naninirador ng ibon ay masaya talaga. Sayang nga at hindi na iyon maibabalik.
Kung kailan ikaw ay ganyan na sa akin ay hindi ko alam. Inuunawa ko ikaw kasi baka iyon ang ikinasasaya mo. Ganunpaman umaasa pa rin ako na ang dating ikaw na nakilala ko at nakaibigan noong bata pa ay magiging ganun sa darating na mga araw.

Thursday, March 28, 2013
Balut (by request)
Ito ay pagbibigay daan para sa request ng isang kaibigan din na blogger. Kung may mali man sa sinulat kong ito ay huwag na lang bigyan ng malaking grades. Nag comment po siya parti sa by request sa pag post ko ng Araw (by request) at inulit uli pag post ko ng Luha, Ligaya, at Langit (by request). Ang blog niya po ay http://genskieswrittenvoices.blogspot.com/
Genskie said...
awesome.... gusto ko gawa ka ng tula ang pamagat BALOT... my 4 na talata hahahaa... at kailangan ang bawat huling salita ng bawat pangungusap ay tutugma... paaunlakan mo ba ako? nais ko sanang gawin mo itong mejo nakakatuwa :)
Genskie said...
Napaka galing naman ng pag kakagawa mo ...asan na yung BALUT na
tula ko hehehe... mejo mahirap nga naman ang nirerequest ko sayo ano...
:)
btw I have something for you on my page
check it out!
Genskie said...awesome.... gusto ko gawa ka ng tula ang pamagat BALOT... my 4 na talata hahahaa... at kailangan ang bawat huling salita ng bawat pangungusap ay tutugma... paaunlakan mo ba ako? nais ko sanang gawin mo itong mejo nakakatuwa :)
September 22, 2012 at 9:33 PM
Genskie said...btw I have something for you on my page
check it out!
November 21, 2012 at 12:40 AM

BALUT (by request)
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa tao sadyang nagbibigay lakas
Ang kumakain sadyang tumitikas
Sa gabi ang paglako ay madalas
Minsan pa ay kahit na anong oras.
Mga nag-inuman ay laging nais
Inaabangan marinig ang boses
Balut na marami sa Pilipinas
Pagsipsip sa sabaw mistulang katas.
Ang halaga man nito ay tumaas
Pagtangkilik ay wala pa ring kupas
Minsan pa ang bulsa parang nabutas
Sa pagbili na balewala gastos.
Marami mang henerasyon lumipas
Kung anong kakaiba ang matuklas
Ang balut ng mga pinoy ay ayos
Sa pagtatalik ay para ring armas.
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa tao sadyang nagbibigay lakas
Ang kumakain sadyang tumitikas
Sa gabi ang paglako ay madalas
Minsan pa ay kahit na anong oras.
Mga nag-inuman ay laging nais
Inaabangan marinig ang boses
Balut na marami sa Pilipinas
Pagsipsip sa sabaw mistulang katas.
Ang halaga man nito ay tumaas
Pagtangkilik ay wala pa ring kupas
Minsan pa ang bulsa parang nabutas
Sa pagbili na balewala gastos.
Marami mang henerasyon lumipas
Kung anong kakaiba ang matuklas
Ang balut ng mga pinoy ay ayos
Sa pagtatalik ay para ring armas.
Tuesday, March 12, 2013
Pandesal
"Hindi lahat na nakikitang papel sa kalsada ay basura na."
PANDESAL
Ni: Arvin U. de la Peña
Pagtitinda ng pandesal ang kinagisnan ng trabaho ni Baltazar tuwing umaga. Bata pa lamang siya ay iyon na ang nakagawian niyang trabaho. Gamit ang bisikleta na nilagyan ng extension para maging tatlo ang gulong ay umagang-umaga pa lamang ay pumupunta na siya sa bakery. Kumukuha doon ng mga pandesal para ibenta. Sa bawat 100 pesos na halaga ng pandesal na maibenta niya ay mayroon siyang 20 pesos. Sa bawat pagpadyak niya, ay medyo malakas ang sigaw niya ng PANDESAL. At sa bawat pagtitinda niya ng pandesal sa umaga ay hindi bababa sa isang daan ang kita niya.
Pagkatapos magtinda ng pandesal sa umaga ay agad uuwi sa kanila para maghanda pagpasok sa paaralan. Sa pera na bigay sa kanya ng may-ari ng bakery ay kumukuha lang siya ng baon at ang natira ay binibigay niya sa kanyang ina. Dahil sa bahay sila na lamang dalawa dahil ang tatay niya ay sumama na sa ibang babae. Minsan sa paaralan ay tinutukso-tukso siya. Tinatawag siyang pandesal sabay tawa ng mga kapwa niya estudyante. Ang lahat ng iyon ay binabalewala na lamang niya. Dahil umiiwas siya sa away.
Nang makatapos siya sa pag-aaral sa high school ay nagtrabaho na lang siya sa bakery. Dahil wala silang pera panggasto sa kolehiyo. Dahil mahirap lamang sila. Taon ay lumipas ay iyon pa rin lagi ang trabaho niya. Hanggang maging asawa niya si Emily na tindera sa bakery na pinagtrabahuan niya.
Kahit umuulan ay tuloy ang pagtinda niya ng pandesal sa umaga. Dahil para sa kanya ay obligasyon na niya iyon araw-araw. Kahit pagod at puyat ay kailangan niyang bumangon para umikot sa mga kababayan para magtinda ng tinapay. Ang mga bata pa noon ng mag-umpisa pa lang siya sa pagtinda ng pandesal sa umaga ay malaki na. Kaya kilalang kilala talaga siya.
Minsan papauwi na siya mula pagtinda ng pandesal ng may makita siyang maliit na papel at pinulot niya. Nang tingnan niya ay may nakasulat na anim na numero 15-30-25-12-05-17. At nilagay niya sa bulsa ang napulot na maliit na papel.
Gabi pauwi na silang mag-asawa sa bahay ng makita niya na kaunti lang ang nakapila sa lotto outlet. Doon ay naalala niya na tayaan ang mga numero sa napulot niyang maliit na papel. Pagkatapos tumaya sa lotto outlet ay umuwi na sila na mag-asawa.
Kinabukasan ay muli nag-ikot na naman siya para sa pagtinda ng mga pandesal. Pagkatapos maubos ang mga pandesal ay pumunta siya sa bilihan ng diaryo para tumingin ng lotto result. Laking gulat niya ng makita na ang numero na lumabas sa 6/42 lotto draw kung saan siya tumaya ay ang mga tinayaan niyang numero, jackpot prize of P8 milyon. Bumili siya ng diaryo at agad ay umuwi sa kanila. Sinabihan niya ang kanyang asawa na noon ay hindi pa pumapasok sa bakery at ang kanyang ina. Tuwang-tuwa silang lahat dahil sa wakas ay may malaking halaga ng pera na sila. Ang matagal na nilang inaasam na magkaroon para guminhawa naman ang buhay nila.
Sa buhay, minsan ang suwerte ay hindi natin alam na darating na pala. Magugulat na lang tayo at hawak kamay na pala. Kaya huwag mainis kung hindi man maganda ang kapalaran sa simula pa lang. Huwag magsabi na suwerte siya dahil ipinanganak na may kaya sa buhay ang pamilya. Ipinanganak na mayaman. Kain at tulog na lang, nasusunod anuman ang gustuhin at nabibili ang naisin. Bagkus kung anuman ang kinagisnan na buhay ay tanggapin at gumawa na lang ng paraan para makaraos sa araw-araw.

Tuesday, February 19, 2013
Lumang Daan
"Justice delayed is justice denied."
LUMANG DAAN
Ni: Arvin U. de la Peña
Sa lumang daan naglalakad mag-isa
Hinahanap na mag-isa ang pag-asa
Ang hustisya na nais makamit noon
Hanggang sa ngayon ay wala pa ring linaw.
Pangulo ay ilang beses ng nag-iba
Modernong kagamitan ay nagsulputan
Katarungan para sa anak wala pa
Sa katulad niya mailap ang batas.
Inaasam nasa lumang panahon man
Patuloy pa ring nagbabakasakali
Pagtahak sa tila madilim na daan
Umaasa na hindi panghabambuhay.
Kirot na sa puso ay nararamdaman
Sa lumang daan lamang ay nawawala
Kahit may pagbabago na sa paligid
Sariwa pa sa isip mahal na anak.

Saturday, February 9, 2013
Walang Silbing Tapang
Ni: Arvin U. de la Peña
Matapang kung tapang ang pag-uusapan si Frederick. Dahil kung siya ay may gulong kinasasangkutan ay hindi niya inaatrasan ang mga kalaban. Samahan pa ng mga ka tropa niyang siga din. Kaya kung siya ay maglakad mag-isa o kasama ng tropa ay hindi puwede na magsalita kahit pabulong ng kontra sa kanila. Dahil kapag marinig ay pagagalitan. Kung pumalag ay suntok ang aabutin.
Sa kanilang lugar sa squatter area kapag may humihingi ng saklolo dahil may inaapi kapag sinumbong sa kanya ay bugbog sarado ang aabutin ng nang-aapi kapag hindi nakinig sa pakiusap niya na itigil. Kaya malaki ang respeto ng mga tao sa kanya.
Kaya ang kapatid niyang si Abigail ay walang sinuman ang pumoporma sa kanilang lugar. Dahil kapag naramdaman ni Frederick na may gusto ang isang lalaki sa kapatid niya ay pagsasabihan agad na huwag manligaw sa kapatid dahil gusto niya na makatapos muna ng pag-aaral at makapagtrabaho.
Minsan isang gabi pauwi sila ng barkada galing inuman naglalakad dahil walang masakyan pauwi sa squatter area ng makarinig sila ng humihingi ng tulong malapit lang sa kanila sa isang bakanteng lote na mataas ang mga damo. Sinabi ng kaibigan niya na tulungan pero nagmatigas si Frederick na huwag nalang dahil pauwi na at isa pa hindi naman iyon kaano-ano.
Pag-uwi ni Frederick ng bahay ay nakita niya na nakaupo ang nanay at tatay niya. Nang tunungin niya kung bakit hindi pa natutulog ay doon sinabi na nag-aalala sa kapatid dahil hindi pa umuuwi at unang pangyayari iyon na gabi na talaga ay wala pa sa bahay. Dahil lasing si Frederick sinabi niya na uuwi din iyon at dahil doon ay natulog na lang ang magulang niya.
Kinabukasan umagang-umaga pa natutulog sila ng magising sila sa malakas na pagtawag ng kaibigan niya. At sinabi na naroon si Abigail sa bakanteng lote walang saplot at patay. Agad ay pinuntahan ni Frederick kasama ang magulang at kaibigan ang bakanteng lote na may kalayuan ng konti sa bahay nila. Doon ay nakita niya at ng magulang ang sinapit ni Abigail. Ginahasa at saka pinatay. Dahil doon ay naalala ni Frederick na ang narinig nila ng tropa habang pauwi na ay ang kapatid niya pala. Nagsisi siya dahil kung tinulungan nila ang humihingi ng saklolo ay hindi ganun ang sasapitin ng kapatid niya. Maililigtas niya sana sa kapahamakan.
Sa buhay, huwag tayong umiwas sa pagtulong kapag kaya natin. Sagipin natin sinuman ang nangangailangan kapag kaya natin. Dahil ang lahat kung anuman mayroon tayo ay hindi pang habang panahon. Maganda na may maiiwan tayong alaala para sa isang tao para sa ginawang pagtulong. Maging sinuman siya.
Subscribe to:
Posts (Atom)