Sunday, April 5, 2009

Karma

"Masakit kung ang ipinalit mo sa babaing mahal na mahal ka ay iiwan ka rin."

KARMA
Ni: Arvin U. de la Peña

Sa bawat paglipas ng araw
Nakakaramdam ako ng lungkot
Pinipilit ko itong maiwasan
Pero hindi ko nagagawa.

Alam ko mahirap para sa iyo
Na noon ay iwanan ka
Habang tayo ay nagmamahalan pa
Dahil sumama ako sa iba.

Ngayon ay nag-iisa na ako
Kung ano ang ginawa ko sa iyo
Ay ganun din ang ginawa sa akin
Nang babaing minsan kong kinabaliwan.

No comments: