Sunday, April 5, 2009

Panawagan Ng Pulubi

"Mahirap ang katayuan ng isang pulubi."


PANAWAGAN NG PULUBI
Ni: Arvin U. de la Peña

Hindi ko hinahangad na mahalin niyo ako
Mas lalong di ko ninanais
Na ang buhay kong ito
Ay ayusin niyo naman.

Ang sa akin lang naman
Kahit barya bigyan niyo ako
Sa maliit na latang hawak ko
Sana tumunog pag may dumaraan.

Kahit isang piso lang
Malaking tulong na iyon sa akin
May ipambibili na ako ng pagkain
Kapag iyon ay naipon.

Sa mga di katulad ko
Sana unawain niyo ako
Kung bakit ako ay ganito
Nanghihingi ng pera para mabuhay.

No comments: