Wednesday, December 28, 2011

Showbiz Scandal ( DJ Mo and Rhian Ramos )

Una sa lahat nais kong magpasalamat sa mga bumisita sa blog ko at higit sa lahat sa mga blogger na naging bahagi ng blog ko ngayong taon. Maraming salamat talaga sa inyo.

"Ang showbiz ay mundo ng walang katapusang intriga."







SHOWBIZ SCANDAL ( DJ Mo and Rhian Ramos )
Ni: Arvin U. de la Peña

Nitong nakaraang araw ay nagkaroon ng malaking pagsabog sa showbiz. Ito ay iyong tungkol kay DJ Mo at Rhian Ramos na naging magkasintahan pero naghiwalay. Ang unang lumabas na iskandalo ay tungkol sa pagpapa abort ni Rhian Ramos na ang pagsabi ni DJ Mo ay nirekord sa laptop. At ang pangalawang iskandalo naman ay iyong laplapan scandal nilang dalawa. Sa video ay makita na si Rhian Ramos ay nakapatong kay DJ Mo na kapwa sila may damit at halik ng halik si Rhian Ramos kay DJ Mo. Higit sa lahat alam ni Rhian Ramos na naka video. Ang dalawang scandal na iyon ay na upload sa youtube at marami ang nakapanood. Isa na ako sa nakapanood.

Para kay DJ Mo bakit hinayaan mo siya na mailaglag ang bata. Dapat sinabihan mo ang mga magulang ni Rhian Ramos tungkol sa balak na pagpa abort para sana napigilan ang balak. Sa iyo DJ Mo ang masasabi ko ay kinunsinti mo ang kagustuhan ni Rhian Ramos na magpa abort kasi sinamahan mo pa siya sa Singapore. Parang gusto mo rin na siya ay magpa abort. Dahil kung hindi mo gusto ang gagawin niya ay hindi ka sasama at gagawa ka ng hakbang para hindi matuloy ang nais niya kagaya ng pagsabi sa mga magulang ni Rhian Ramos. Hindi kayo naawa sa nasa sinapupunan. Hindi niyo pinagbigyan ng pagkakataon ang nasa sinapupunan na masilayan ang daigdig. Gayong kung maisilang ang bata ay hindi maghihirap hanggang lumaki dahil may pera kayo, mayaman kayong dalawa. Mula sanggol hangggang magbinata ay puwede na makainom ng gatas bawat araw kahit ilang beses pa. Kahit anong klaseng gatas pa at higit sa lahat puwede na mag aral kahit sa mamahaling paaralan. Ang iba nga, halimbawa ang mga natutulong lang sa kalsada o walang tirahan kung buntis ay hindi pinapalaglag. Hinaharap ang magiging kapalaran kung mayroong anak. Pero kayo, hindi kayo naawa sa nasa sinapupunan.

Sa iyo Rhian Ramos kung ang inaalala mo ay ang career mo kung kaya nagdesisyon ka na ipalaglag ang nasa sinapupunan mo ang masasabi ko ay napakamaling desisyon ang ginawa mo. Ang showbiz career mo ay puwede pang maibalik sa iyo. Marami ng naging artista ang nabunits sa katanyagan nila at nakabalik pa sa pag artista ng maisilang na ang sanggol. Kung ikaw ay manganak na ay puwede ka pa ulit maging artista. Ngunit ang ipinalaglag mo ang buhay na iyon ay hindi na maibabalik. Kung may bumalik man sa iyo ay ibang buhay na. Mapalad ka pa nga dahil ikaw ay nabuntis. Eh, ang iba ngang babae ay hindi nabubuntis dahil may diperensya kaya ang ginagawa ay nag-aampon na lang.

Rhian Ramos sa ginawa mo na pagpa abort ay para kang walang tiwala sa iyong sarili. Para kang walang tiwala na kung magkaanak ka habang bata pa at sikat ay hindi na muling sisikat pa. Ang isang artista basta magaling kahit magpahinga muna sa showbiz ng ilang buwan o taon ay magaling pa rin na artista kung bumalik. Sabi nga sa english " a good actress is always a good actress." Pero hindi mo yata iyon naisip. Ang inisip mo ay ang ngayon na ayaw mo mahinto sa showbiz. Alam mo ng ang pakikipag sex ay maaaring mabuntis bakit hindi ka nag ingat. Kung ayaw mong mabuntis dapat lagi kang take ng pills bawat pakikipag sex. Pinagagamit ng condom lagi si DJ Mo. Para kang makasarili dahil sarili mo lang ang inisip. Hindi mo man lang inisip ang nabuo dahil sa pagmamahalan niyo ni DJ Mo. Hindi mo man lang inisip ang naging bunga ng pagtatalik niyo ni DJ Mo na ewan kung nakailang beses kayong dalawa nagpakasarap bago nabuo ang pina abort mo.

Sa inyong dalawa DJ Mo at Rhian Ramos sa huli ang masasabi ko ay hindi kayo dapat na tularan. Hindi kayo magandang halimbawa para sa ibang tao.

45 comments:

Rence said...

Natumbok mo, Kuya Arvs. Sapul na sapol! More power to you.

Lysafae said...

MORE POWER and God bless.

Rence said...

Comment din ng officemate ko:
Mas mabuti pa daw si Andi Eigenmann at pinanindigan ang kanyang pagbubuntis, kahit na walang kinikilalang ama ang bata.

at sabi pa ng officemate ko, may sense daw ang iyong post. May tama ka!!!

michi said...

not a fan of these two. happy new year!

Mel Avila Alarilla said...

Ang abortion ay kasalanan sa Diyos at sa kapwa tao. Parehong nagkasala si DJ Mo at Rhian Ramos. Sana makuha nilang humingi nang tawad sa Diyos at magbagong buhay. Salamat sa lathalain. Pagpalain ka nang Diyos sa tuwina.

palakanton said...

haist kawawa ang bata, pero mrmi rin ngawa nito nagkataon lang na celebrity sila kya big issue!

eden said...

Not familiar with them, Arvs.. Ang masabi ko lang malaking kasalanan yon ginawa nila.

Happy New Year!

=supergulaman= said...

Confirm na ba na may abortion na naganap...mmmhhhhh... mejo huli ako sa balita eh...sensya na...wooot...babalik na ako onti pa...:)

Spiky said...

i understand revenge well, it's making even and Mo did just that.

Dhemz said...

ang galing Arvin! I saw this one on TFC...tsaka din online...hay ang iba naghihirap para lang mabuntis...it's heartbreaking...I'm against abortion!

happy new year sayo kaibigan!

reese said...

updated ka sa showbiz ah hahaha!
happy new year!

Arvin U. de la Peña said...

@Rence............salamat naman kung ganun.....naging big issue kasi sila kaya ito nagsulat ako ng para sa kanila....para naman sa officemate mo ay tama siya.....sinuportahan din kasi si Andi Eigenmann sa kanyang pagbubuntis kahit na ang tinutukoy na ama ay nagdedeny......balang muli ay babalik siya sa showbiz.....

Arvin U. de la Peña said...

@Lysafae..........ganun di po sa iyo.....happy new year.....

Arvin U. de la Peña said...

@michi...........ganun.....sila sino naman ang paborito mong artista....si katrina halili ba,hehe....may scandal din iyon....

Arvin U. de la Peña said...

@Mel Avila Alarilla........talagang kasalanan kasi may pinatay sila......balang araw makokonsensya siguro sila....

Arvin U. de la Peña said...

@palakanton.........ganun kasi pag celebrity.....kapag may ginawa na puwede na maging big issue ay binabalita......lalo na ang sa kanila kasi tungkol sa pagpa abort tapos laplapan scandal pa......baka nga may mga lumabas pang video scandal.....

Arvin U. de la Peña said...

@eden............ah ok.....kumusta ka na diyan.....happy new year na lang sa iyo....

Arvin U. de la Peña said...

@supergulaman...........hindi naman umaamin si Rhian Ramos......pero parang mayroon kasi hindi naman siguro gagawa ng ganun si DJ Mo kung walang magaganap na abortion.....

Arvin U. de la Peña said...

@Spiky.........marami nga ang nagsasabi na sa ngayon ay winawasak ni DJ Mo ang career ni Rhian Ramos.....sa pangalawang scandal nila ay marami ang hindi naniniwala na walang kinalaman si DJ Mo sa pag upload sa video....kahit nga ang abortion scandal ganun din may mga naniniwala na may kinalaman si DJ Mo sa pag upload.....nag dedeny si DJ Mo na wala siyang kinalaman pero sinasabi niya na sana wala ng lumabas pang video scandal....sa sinabi niyang iyon alam niya na marami pa silang scandalous na mga video....at may posibilidad na muli ay may ma upload pa para sila ay pag usapan....

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz...........napanood mo din pala ito.....mas kaabang abang ang mga susunod pang video na lalabas tungkol sa kanila.....baka malampasan pa ang kay Hayden Kho at Katrina Halili......

Arvin U. de la Peña said...

@reese..........hindi ako mahilig manood ng mga showbiz balita......sa diaryo ko una nabasa na may scandal sila....tapos tiningnan ko sa internet....

♥ hana banana ♥ said...

sumilip here pre....hehehe

sana maging masaya ang 2012 mo arvin ^^

Josh said...

may point.. hehe

happy new year sir arvin! :)

Ishmael Fischer Ahab said...

Kahit ano pa ang dahilan niRhian, ang pagkitil ng sanggol sa sinapupunan ay mali.Nawa'y marealize nila ang ginawa nila at pagsisihan ang matinding krimen ng aborion.

Happy New Year nga pala Arvs.

Yen said...

Napanood ko to sa youtube ayun ang masasabe ko lang, ayusin nalang nila ng pribado ang problema nila. Pag pray nalang naten na maging maayos ang lahat. Sa huli si Lord pa rin ang huhusga saten.
Happy New year Arvs. :)

eden said...

Happy New Year, Arvs!

Arvin U. de la Peña said...

@hana banana........thanks.....hindi lang ito ang pag post ko ng showbiz scandal......may iba pa....

Arvin U. de la Peña said...

@Josh............happy new year din sa iyo......kumusta....

Arvin U. de la Peña said...

@Ishmael Fischer Ahab..........alang alang sa career ay ipinagpalit niya ang sanggol na nasa kanyang sinapupunan......ibang klase rin talaga siya.....

Arvin U. de la Peña said...

@Yen............sana nga maayos nila ang problema nila kasi kahit paano nagmahalan sila.....pero parang mahirap na yata.......pero sana maka move on silang pareho......

Arvin U. de la Peña said...

@eden.............happy new year din sa iyo diyan.........

eden said...

Thanks for the visit, Arvs!

simply kim said...

when I was only 19 I had a chance to choose between ABORTION and TO LIVE IN SHAME, i chose to 'live in shame' and it was one of the best decisions I made in my entire life..

Happy New Year, Arvs!

a visit from the Story Teller!

Talinggaw said...

Nde umamin ng derecho si Rhian ngunit iba ang pahiwatig ng kanyang mga salita. Kung totoo man, kawawang bata at sila na rin dahil suguradong dadalhin nila yun sa konsensya habambuhay.

Manigong bagong taon sa iyo Arvin! :)

Nanaybelen said...

Happy New Year Alvin!!

ako070707 said...

alam ko wala ako sa posisiyon para husgahan sila...

but i view abortion as a crime..

nakakalungkot lang :(


happy new year sa iyo ...

Jeremy said...

Hindi na sana natin i judge si mo o si rhian by doing such crime... if meron man. Di na naman po natin mabago ang lahat.
SMSF

Arvin U. de la Peña said...

@eden..............salamat sa muli mong pagpunta sa blog ko....

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim...........talaga....kung ganun pala ay nabuntis ka ng bf mo tapos tinalikuran ka......ganun ba....o hindi ka pinabayaan ng bf mo at nung una alinlangan ka na ikakahiya ka ng pamilya mo dahil bata ka pang nabuntis.....

Arvin U. de la Peña said...

@Talinggaw............silence means yes yata ang pinaiiral ni Rhian Ramos.....hindi siya magsasalita kasi lalong ikahihiya siya....minabuti niyang manahimik na lang kasi siguro palagay niya lilipas din ang lahat.....

Arvin U. de la Peña said...

@Nanaybelen..........happy new year din sa iyo.....kumusta ka na....

Arvin U. de la Peña said...

@ako070707..........buhay nga nila iyon na mahirap panghimasukan pero dahil kilala sila dahil artista kaya nabalita at dahil doon may mga reaksyon.....

Arvin U. de la Peña said...

@Jeremy.........oo nga pero dahil sila ay mga sikat at may ginawa na hindi maganda ay kailangan naman ang opinyon ng mga tao.....

anney said...

meron talagang mga walang kunsesya. Anyway, Happy new year!

chubskulit said...

Very well said Arvin, they're cowards!

Sorry if di masyado nakakabisita!