Monday, February 6, 2012

Tanging Ikaw Lamang (a song for jhengpot)

Ang una ko talagang hilig ay mag compose ng kanta. Mula 1995 hanggang 2006 ay umabot ng sobra 200 ang na compose kong kanta na ang mga iyon ay nasa akin pa. At mula 2006 hanggang sa ngayon ay hindi na uli ako nag compose ng kanta dahil kinalimutan ko na ang hilig ko sa kanta. Hindi na nga rin ako umaawit sa videoke kung may inuman ang barkada kahit pinipilit nila ako na umawit. Malaman niyo ang tungkol doon kung titingnan niyo ang post ko noong December 9, 2009 dito sa blog ko na ang pamagat ay KANTA KO (reveal). Kung nagsusulat man ako ng kuwento, poems, o tula noon ay may kaugnayan lang iyon sa pag-aaral at iyong pag submit para sa newspaper na kung ma publish ay marami ang makakabasa ng sinulat ko kasi nationwide ang diaryo. Na ang mga iyon ay nakamit ko naman. Ayaw ko na sanang mag post ng kanta dito sa blog ko pero gagawin ko ulit kasi dito sa blog world ay may nakilala akong isang babae na mayroon silang banda. Maraming beses na rin silang tumugtog sa entablado. Sumali na rin sa mga competition. Kaya ko ito post na kanta dahil ang kantang ito na sinulat ko ay ibibigay ko sa kanya. Ang pangalan niya po dito sa blog world ay jhengpot. Sa iyo jhengpot binibigay ko sa iyo ang compose kong ito na kanta. Kung hindi man ikaw ang umawit ay ang vocalist niyo. Ang hiling ko lang ay kung sakali na aawitin niyo na ito ay pangalanan lang ako at kung may baguhin man kayo sa lyrics ng konti ay pangalanan pa rin ako. Higit sa lahat kung ma discover ang banda niyo at magkaroon kayo ng album na kasama ang bigay kong ito na kanta ay sana kahit pang inom ay padalhan mo ako. Kahit ang halaga ay para sa sampung bote ng San Miguel Beer pale pilsen ay sapat na iyon. Malalasing na ako niyan na minsan sa buhay ko ay maraming nabuo sa isipan ko na kanta habang nag-iinuman. Ang blog po ni jhengpot ay http://heavenknowsmj.blogspot.com

"Compose ko ang kantang ito noong December 2, 2005 na kaarawan ko at handog ko ito para sa mga tao na sa kabila na iniwan ng kanilang mahal ay patuloy pa ring umaasa na babalikan."


TANGING IKAW LAMANG
compose by: Arvin U. de la Peña

Intro:

Noon at ngayon laging ikaw pa
rin sa puso
Di magawang limutin
Di magawang ipagpalit
Sa isipan lagi ka pa ring
naaalala
Muli nababalik tanaw nakaraan natin


Chorus:

Tanging ikaw, ikaw lamang
ang aking mahal
Wala ng iba pa na hahanapin
Kahit na magbago pa ang panahon
Ikaw at ikaw pa rin
Patuloy akong aasa na ikaw
ay magbabalik
Sa piling ko


do stanza chords
Pag-iibigan na kayganda
Pagsasama na kaysarap
Bakit bigla ay magwawakas
Lalayo ka at iiwanan ako
Hahayaan na lamang na mag-isa


repeat chorus

Bridge:

Malaman ko man na ikaw
ay may mahal ng iba
Maghihintay pa rin ako
Naniniwala ako sa ating
sumpaan


repeat chorus

INSTRUMENTAL

repeat chorus
repeat chorus

coda:
sa piling ko
sa piling ko

41 comments:

Rence said...

arvs, kung papipiliin ka sa currents recording artists natin ngayon, sino ang gusto mong kumanta nito?

Jheng, sana marinig kita kumanta one of these days. =)

Clai Estabillo said...

nabasa ko ung post mo nung dec 2009
and COOL!!! nagsusulat din ako ng kanta..pinopost ko lang un sa youtube..hindi ko alam na pde pala magemail sa isang recording company at magsend ng demo tape..^_^

Arvin! wag mo itago ung kanta mo..andami 200?? pahingi ako!! hahahaha

to: Jhengpot!!
sana marinig nmin ung arrangement ng kanta...

Talinggaw said...

Wow, ang galing mo naman talaga Arvs...kanta, tula, kwento...kaya mo, ikaw na talaga! :)

♥ hana banana ♥ said...

ang ganda ng lyrics!!! feeling ko, akong ako yan! ahaha!

sana marinig ko naman yung song ^^

nice ^^

Akoni said...

Gusto ko kantahin ito ni Jhengpot.

KikomaxXx said...

wow ayus ah.. sana marinig ko si jhengpot kumanta nito.. ;)

Albert Einstein☺ said...

ayus ang swit mo naman!

jhengpot said...

hahaha. sa mga nagcomment ng request na ako'y kumanta. medyo malat lang po ako ngayon, yaan niyo sa araw bago ang katapusan ng mundo ay aawit ako. Para naman wala akong masyadong kasalanan paglumindol. lol

salamat dito kuya arvin...ipopropose ko toh sa mga kasama ko :) galeng mo!

icedgurl said...

trekking your blog!!!

cheers!
..TREK..

Sam D. said...

Wow! Arvs mala Apo Hiking Society tema ng kanta mo galing. Wish ko one day malaman ko na lang na launching na yan at hummmm sino ba pipiliin mo na kakanta niyan. Sorry wala na akong alam na new singers diyan sa atin ngayon. :-/

Umma said...

composer ka rin pala Arvs.. whoot galeng mo ah.. keep it up

~ JaY RuLEZ ~ said...

the best ka talaga arvin!


jheng,iparinig mo sa akin pag nalapatan nyo na yan ng himig :)

Arvin U. de la Peña said...

@Rence...........ang 6CycleMind ang gusto kong umawit kung sakali.....nagkita naman kayo sa personal at kaibigan mo na sa totoong buhay ay sabihin mo sa kanya na awitin niya,hehe...

Arvin U. de la Peña said...

@Clain Estabillo........salamat at binaso mo ang post ko noong dec. 2009......ganun ba....puwede ko ba malaman kung paano makita sa youtube ang compose mo....puwede po iyon at sa case ko ay demo tape ang submit ko mismo sa recording company......nakatago iyon at hindi mawawala...puwede ko ba malaman ano ang blog mo.....

Arvin U. de la Peña said...

@Talinggaw.........salamat sa sinabi mo.....subukan mo rin kaya kung ano ang nagagawa ko,hehe.....

Arvin U. de la Peña said...

@hana banana.......haha......ganun ba....kung ganun pala ay iniwanan ka ng mahal mo.....at umaasa ka na babalik siya sa iyo....mag move on ka kung sa palagay mo hindi na talaga babalik.....may iba ka pang makikilala na magpapasaya sa iyo...

Arvin U. de la Peña said...

@Akoni..........i hope so....pero tiyak kaya niya iyan kantahin kasi nasa banda siya.....umaasa ako na sisikat ang banda nila.....

Arvin U. de la Peña said...

@KikomaxXx...........sana nga.....kung hindi man siya ay sa vocalist na lang ng banda nila.....

Arvin U. de la Peña said...

@Albert Einstein...........isa siyang kaibigan dito sa blog at may banda sila at dahil may mga compose akong kanta ay nararapat lang siguro na bigyan ko siya.....

Arvin U. de la Peña said...

@jhengpot..........pagbigyan mo sila habang hindi pa gumugunaw ang mundo para naman matuwa sila.....at isa pa hindi naman yata magugunaw ang mundo........ok....salamat kung ganun....ipakita mo sa mga ka banda mo......walang anuman iyon....kung magustuhan niyo ito ay puwede ko pa ikaw bigyan....at hindi na ipost dito sa blog......mag email na lang ako.....

Arvin U. de la Peña said...

@Sam D............love song ang kanta na ito.........binigay ko ito kay jhengpot at sana siya o ang banda nila ang umawit nito......

Arvin U. de la Peña said...

@Umma...........oo.....hindi lang tula, kuwento, o poems ang alam ko.....

Arvin U. de la Peña said...

@JaY RuLEZ...........salamat kung ganun......tiyak mapagbibigyan ni jhengpot ang mga nagnanais na maawit niya ito o ng banda niya......

Clai Estabillo said...

http://planetofclai.blogspot.com/

eto ung nagawa ko
http://www.youtube.com/watch?v=hnkUzcW-F1U
mejo matagal na'to
hahaha..nagpromote tlga ako dito
nagemail ako sau..

eden said...

Nice. I love the lyrics. Ang galing mo talaga Arvin.

Dhemz said...

ang ganda nang model...hehhehe!
galing Arvin!

Spiky said...

parang ang sarap magsenti ng kanta mo sa feb 14

Danilo Enriquez Jr. said...

it was my first time to view this blog and i find it interesting.
Well done fellow bloggers.

Diamond R said...

Ayan maraming naghihintay na makanta ito ni Jhengpot.

galing mo arvin

eden said...

Hi, Arvs!

Have a great Sunday. Thank you for the visit.

Arvin U. de la Peña said...

@Clai Estabillo..........ok....nakita ko na ang blog mo at add ko iyon sa blog list ko.....

Arvin U. de la Peña said...

@eden...........salamat sa sinabi mo.....nakaka inspire iyon sa akin......

Arvin U. de la Peña said...

@Dhemz............hehe.....maganda nga din siya.......tiyak kung tumutugtog ang banda nila ang ibang tao sa kanya nakatingin......

Arvin U. de la Peña said...

@Spiky............ganun ba.....tiyak sa mga radio station na FM ay madalas patugtugin ang mga love songs....

Arvin U. de la Peña said...

@Danilo Enriquez Jr..........ganun ba.....salamat sa pagpunta sa blog ko at pagbasa ng mga sinulat ko.....

Arvin U. de la Peña said...

@Diamond R.............tama ka....sana maawit nga niya ito o kaya ng vocalist ng banda niya.....

simply kim said...

ang sweet mo naman arvs...

Generic Viagra said...

WHICH LANGUAGE IS THIS DO U HAVE AN ENGLISH BLOG



generic viagra

Arvin U. de la Peña said...

@simply kim........nararapat ko lang siya na bigyan kasi mahilig din siya sa kanta.....at may banda pa....

Arvin U. de la Peña said...

@Generic Viagra............i have no english blog...........why......

itin said...

aww. how sweet naman. happy hearts day sayo!